Danilova's posts with tag: classical antiquity

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag classical antiquity
Blog Entrymodern racism's rootsSep 10, '07 11:25 PM
for everyone


Mga Anak Ng Mas Nakatataas Na Dios
Ang Rasismo (Racism) Sa Makalumang Sibilisasyong Grego at Romano
 
Kalayaan, demokrasya, pilosopiya, sining, edukasyon, batas.

Ang mga ugat ng marami sa mga ideya't prinsipyo ng ating makabagong kabihasnan ay matutuklas sa kabila ng libo-libong taon, sa mga sibilisasyon ng makalumang Grego at Romano. Ang dalawang makalumang lipunang ito'y naging batayang antas sa pag-unlad ng mundo.

Kinasuklam ng mga instutusyon noong panahong Medieval,  kinilala noong Renaissance, at ginamit muli noong Enlightenment, ang mga pamana ng Panahong Klasiko Antigo (Classical Antiquity) ay patuloy na naghuhugis sa kultura't politika ng ating mundo.

Ngunit ang kahanga-hangang pamana na ito'y may kasamang madilim na anino. Kasama ng mga magagandang teorya nila, nilikha, pinaunlad at binigyang katwiran ng mga dalubhasang Grego at Romano and mga sistema ng pag-iisip na kumaila sa buong pagkatao ng malaking bahagi ng populasyong ng taong hindi Grego o Romano.

Ang pagkakaroon ng kawalan ng pagpaparaya, o ang kagyat na pagsusuklam, para sa mga taong hindi Helleno na nakatira sa labas ng mga paligid ng Imperyo—o mga pamayanang imigrante sa loob—ay nakatala sa literatura at sining ng mga makalumang kabihasnang ito.

At sa kanyang bagong inilimbag na aklat, The Invention of Racism in Classical Antiquity, tinitingnan ni Benjamin Isaac, isang istoryador, ang mga usping ito.

Para sa kanyang pagsasaliksik, gumamit siya ng napakaraming mga pinagmulan—mga dokumentong nasulat sa loob ng 800 taon mula noong ika-5 siglo BC hanggang sa ika-apat na siglo AD.

Sa kanyang pagsasaliksik, nabuksan niya ang mga pagpapahayag ng mga sinaunang Grego at Romano na nagtataglay ng diskriminasyon at kawalan ng pagpaparaya. At, sa kanyang akda, sinusubukan niyang sagutin ang mga tanong: Paano umusbong ang ganitong mga sistema ng pag-iisip, ang ganitong paraan ng pagtingin? Ano ang relasyon ng mga ideyang ito sa ideolohiya ng isang imperyong nagpapalawak ng kanyang mga lupain? Ano ang kontribusyon na dinala ng mga kaisipang ito—mula sa Panahon ng Classical Antiquity patungo sa makabagong kasalukuyan, sa pasikot na daan lagos ng mga paham ng Panahon ng Enlightenment, kagaya ni Hume, Voltaire, Kant, at iba pa—sa pag-unlad ng rasismo (racism) sa kasalukuyan?

Ang Imperyo Ni Alexander

SA KANYANG mahabang kasaysayan na umaabot sa halos isang libong taon hanggang sa isinakop ito ng Imperyong Romano, dalawa ang naging mahalagang enkwentro ng kabihasnang Grego sa mga dayuhan:

Ang unang pagtatagpo ay naganap noong ika-limang siglo BC. Ang pag-abanteng pakanluran ng Imperyong Persyano mula sa kanyang base sa Asya ang siyang nagtulak sa mga poli o lungsod-bayan ng mga Grego na magbuo ng mga alyansa, para mapagtanggol nila ang kanilang sarili mula sa pagsasalakay.

Isang dantaon at kalahati ang lumipas nang naganap ang pangalawang enkwentro, na ngayo'y nagsimula mula sa mga Grego. Sa ilalim ni Alexander the Great, nilabanan ng mga Grego ang Imperyo Persyano, at nagtagumpay sila.

Malawak ang lupaing pinagharian ng mga Persyano, at namuno sila sa maraming iba-ibang mga grupong etniko. Nakapaloob sa dating imperyo ang Ehipto, ang mga kabihasnan ng lupaing Mesopotamia, ang Babylonia at ang kalagitnaan ng Persiyano na nasa mga lupaing sinasakupan ngayon ng modernong Iran.

Nang sinakop niya ang mga lupaing ito, pinalawak pa ni Alexander ang paligid ng imperyo pasilangan—sa teritoryo ng modernong Afghanistan at Pakistan. At, sa pamamagitan ng diplomasya't sandatahang lakas, naghari siya. Ngunit dahil napakalawak ang saklaw ng imperyo niya, tumagal lang ito sa ilalim ng kanyang paghahari. Nang namatay siya noong 323 BC, nawasak ang imperyo sa mas maliliit na kaharian at lungsod-bansa. Subalit nagkaisa ang mga hiwa-hiwalay na grupong ito sa ilalim ng isang kulturang Grego.

Sa lahat ng mga lugar na sinakop niya, nagtatag si Alexander ng mga lungsod at nag-iwan ng mga populasyong magbubuo ng kolonya.

Kumalat ang kabihasnang Grego—kasama dito ang pagkalat ng pamahalaang panlunsod, pananampalataya, mga institusyong Grego kagaya ng agora, gymnasium, aklatan at teatro. Mula rito umusbong ang isang bagong kulturang pandaigdig o international culture, na tinawag ng mga istoryador ngayon na Hellenismo.

Sa Hellenismo nagsanib ang mga kulturang lokal at ang kulturang Grego. Ang wikang Grego ang siyang naging "Ingles ng makalumang panahon"—ang pandaigdigang wika ng pangangalakal, ng paglalayag, ng palitan ng mga bilihin at ideya sa lahat ng panig ng imperyong nakabatak mula sa silangang Dagat Mediterranean hanggang sa mga paligid ng India.

Ang Kultura Ng Pananakop

KULTURA, sining, pangangalakal: tinatakpan ng mga matatayog na konseptong ito ang mga mas simpleng katotohanan. Isa dito ay ang katotohanang pinalalapit ng parehong digmaan at ang kanyang kinahinatnan—ang kapayapaan—ang mga magkakaiba't magkakahiwalay na kabihasnan. Ang pagdampi ng dalawang magkakaibang kultura—na naganap sa una dahil sa paglusob ng mga pwersa ni Alexander—ay nagdala ng kawalan ng kapangyarihan at impluwensiya, sapilitang paglilikas at dislokasyon sa mga pamayanang natalo at nasakop. Maaaring lumikas ang mga tao, naging refugees o naging mga alipin.

Ngunit sa paglipas ng panahon, naitaguyod din ng bagong imperyo ang kapayapaan sa loob ng kanyang mga hangganan. At dahil dito, naenganyo ang iba't-ibang tao na manirahan dito. Ang kalawakan ng bagong imperyo'y umakit sa mga mangangalakal, na ngayo'y maaaring lumakbay na mas ligtas. Pati na rin ang mga peregrino'y nakapaglakbay patungo sa mga templo't sagradong mga lugar.

Nagkaroon ng paghahalo ng populasyon nang nakipag-asawa ang mga sundalo sa mga iba't-ibang pamayanan sa loob ng imperyo. Kinalat ng makalumang imperyo ni Alexander the Great ang kulturang Grego, at ito rin ang tumulong na padaliin ang paglikas at paghalo-halo ng iba't-ibang grupong etniko.
 
PAPAANO tiningnan ng mga Grego ang mga karanasang ito, at ano ang naging tingin nila sa mga taong hindi Grego?

Mula sa pag-aaral ng mga sinulat ng mga nag-aral ng Kabihasnang Makalumang Grego—ang mga dalubhasang Europeo noong Panahon ng Enlightenment sa ika-16 na siglo, sinasabing tiningnan ng mga sundalong Grego ang Digmaang Persyano bilang isang paligsahan sa pagitan ng Demokrasyang Kanluranin (Western democracy) at ang Despotismo ng Silangan (Oriental despotism).

Mula sa Europang mananaliksik na nag-aral ng kasaysayan ng mga Grego: "Para kay Herodotus at ang kanyang mga kasamahan, ang digmaan laban sa Persia ay hindi lamang isang enkwentrong militar, ngunit isang labanan sa pagitan ng pananampalataya't kalayaan sa pag-iisip na may malalim na kahalagaan para sa buong kasaysayan ng tao—at ito ay kinikilala ng mga tropang Grego na lumusob sa Persia.

At sabi pa ng mga ikolar ng Europeo: sa pamamagitan ng Digmaang Persyano tinutulan ng mga Grego ang pagpasok ng orientalismo (orientalism) sa kanilang kabihasnan, ang pag-aalipin sa kanilang kaluluwa, at ang paghahari ng mga pari. Ayon sa isa pang manunulat, ang digmaan ay "ang pagtakpo at ang banggaan ng dalawang magkaibang kabihasnan, at ng dalawang klaseng grupo ng tao na may magkaibang ugali…at ang labanan sa pagitan ng Pag-aalipin ng Kabangisan at ang Kalayaan ng mga Grego, sa pagitan ng panluluping ng mga taga-silangan (oriental autocracy) at ng demokrasya ng mga Grego." (isinalin mula sa Ingles).

WASHINGTON (CNN) -- President Bush declared Lebanon a front in the "global war on terrorism" Monday, equating the Israeli battle against Lebanon's Hezbollah guerrillas to the U.S.-led wars in Afghanistan and Iraq.Bush said Hezbollah and its supporters in Iran and Syria were responsible for the 34-day war, and called that conflict "part of a broader struggle between freedom and terror."

Sa Ika-limang libro o volume 5 ng 1927 Cambridge Ancient History , nakasulat na ang Digmaan Peryano ay ang pagligtas ng Europa, na "hindi pa napapanganak, para sa kalayaan, agham at sibilisasyon."
 
Ang Pag-Unlad ng Kaisipang Rasismo Sa Klasiko Antigo

Ngunit sa pagsasaliksik ni Isaac, naging malinaw na hindi naranasan ng istoryador na Grego na si Herodotus (at ng kanyang mga kasamahang dalubhasang Grego) ang Digmaang Persyano bilang isang makabagbag-damdaming kaganapan na may malinaw na wasto at banal na layunin.

Totoong nakita nila ang Persia bilang isang makapangyarihang monarkiya, at natakot sila na maaaring lusubin at sakupin sila nito.

Ngunit wala sa anumang dokumento ng mga sinaunang Grego ang nagsasabing dahil pinamununuan ng hari ang mga Persyano, sila ay mas mababang uri sa usaping pang kultura o moral. Hindi rin inilarawan nina Herotodus ang digmaan bilang isang pakikibaka sa pagitan ng mga kanluraning nagmamahal sa kalayaan at ng mga barbarong taga Asya.

Totoong mahahanap ang mga palagay na ito sa literatura ng Makalumang Grego. Ngunit nangyari ito sa ika-apat na siglo , matapos na ang pagsakop ng mga Grego sa Persia, at hindi sa panahong hindi pa nakapasok ang mga tropa ni Alexander sa Asya. Malinaw tuloy na, mula sa perspektibo ng isang grupo ng tao na naghari sa isa pang grupo, naging pangkaraniwan ang ganitong mga klase ng pag-iisip. Habang naging mas agresibo ang paglusob ng sandatahang lakas ng mga Grego, naging mas mapangkutya ang mga pagtingin nila sa mga Persyano.

Kaya, sa mga sinulat niya noong 380 BC, inihayag ni Isocrates na "imposible para sa mga taong pinalaki't pinagharian sa paraang pinalaki at pinagharian ang mga Persyano na magkaroon ng kahit anong disenteng ugali … Paano nagkakaroon ng isang mahusay na pinuno o matapang na sundalo sa mga taong may ganitong mga kaugalian?...Pinasasasa nila ang kanilang mga katawan sa bisyo at luho. Ang kanilang mga kaluluwa ay ipinahiya't itinakot ng mga hari." At ayon pa sa kanya, ang mga Grego, ay matatag, disiplinado, malakas, malaya at macho (masculine). Sa kabilang banda, ang mga Persyano ay malambot, mahina, madaling maalipin at binabae (effeminate). Ano ang mga bagay na nagdulot ng mga taong ganito? Ang sagot naman niya ay: Ang pamahalaan at ang mga relasyon ng mga Persyano sa isa't isa, sabi ni Isocrates. Samantala, ang pamahalaan at lipunan ng mga Grego ay naghubog ng mga taong likas na mas mahusay o mas higit sa ibang tao (superior). 

NANG sinakop nila ang dating Imperyong Persyano, na-enkwentro ng mga Grego ang maraming iba-ibang mga grupong etniko—mga taga-Syria, mga Phoenician, mga taga-Ehipto, mga Hudyo. Ang mga taong ito ay naging paksa ng kanilang mga pag-aaral sa etnograpiya o ethnographic studies.

At mula sa mga nasulat nila mismo, makikita na madalas na nagtalaga ang mga manunulat na Grego ng mga masasamang katangian at kaugalian na sa tingin nila ay lika sa mga taong sinakop nila.

Mga mangangalakal na Phoenician ay inilarawan nila na talagang hindi mapagkakatiwalaan. Ang mga taga-Syria ay sa tingin nila, binulok ng luho, kaya sila ay likas na mga alipin. Nagulantang din ang mga Grego sa pagsamba ng mga hayop—at pati na rin sa katatagan at katagalan ng kabihasnan—ng mga taga-Ehipto. Ayon pa sa mga Grego, ang mga Ehipto ay talagang mga bastos, sinungaling at rebelde, at ang kanilang pananampalataya ay totoong kabaliwan lang. Ang diyos ng mga Hudyo, dahil siya ay nag-iisa, ay tiningnan bilang isang diyos na walang kasundo—at ito rin ang binansagan ng mga Grego sa mga Hudyo mismo. Hindi tama ang mga batas ng mga Hudyo; at ang kanilang ugali ng pagtutuli (circumcision) ay tiningnan din bilang nakakadiri at nakakatawa.

Inilahad ng mga manunulat na Grego ang mga negatibong paglalarawang ito bilang mga katotohanan. Maraming mga dayuhan, ayon sa kanila, ang simpleng mapanganib: nagsasakripisyo sila ng mga tao o kumakain nito, masyado silang malaswa, sa digmaan sobra silang mabangis, ngunit sa kapayapaan, hindi sila mapagkakatiwalaan. 

 "Sino ang mga dayuhan na ito," ay isang tanong na tinananong naman ng mga dalubhasang Grego. Ngunit hinayaan nilang hubugin ng diskriminasyon ang kanilang mga sagot. Tinanong rin nila kung "bakit naging ganito ang mga dayuhang ito?" At gumawa sila ng mga mala-agham na katwiran para maging batayan ang kanilang mga negatibong pagtingin. Ayon sa kanila, ang mga katangiang pangpisikal at sa pag-iisip ng iba-ibang mga grupong etniko ay hinubog ng kanilang kalikasan. At ang konsepto ng kalikasan ng mga Grego ay sumasakop sa pamahalaan, klima, heograpiya, at astrolohiya.

Ang tawag ngayon sa pag-iisip na ito ay environmental determinism. At tumutugon ang ganitong klaseng pag-iisop sa pananaw ng mga Makalumang Grego na ang mundo ay nahahati sa dalawang magkasalungat ng bahagi (opposites): ang Europa, kung saan nahubog ng klimang malamig ang mga taong mas matatag at malakas, at sa kabilang banda, ang magandang klima ng Asya na naging salik sa pag-usbong ng mga taong mayaman at "malambot."

Pati na rin ang dakilang Aristotle ay hindi naligtas sa ganitong klaseng pag-iisip. Ayon sa kanya, ang mga Grego ay nakatira sa pinakamagandang kalikasan—sa gitna ng Europa at Asya. Dahil dito, ang mga Grego ang pinaka-akmang maghari sa lahat ng mga tao. At, ang mga tao ng Asya, na talagang likas na madaling alipinin, ay ginawang ganito ng kanilang mga kalikasan.

Siyempre, ang mga panalo ni Alexander sa Digmaang Persyano ay siyang "nagpatibay" ng pagiging tama ng mga teoryang ito ni Aristotle.

At hindi lang iyon. Ayon sa mga Grego, ang mga katangiang hinubog ng kalikasan sa mga tao ay maaari rin nilang ipamana sa kanilang mga anak. Kaya daw dito, ang mga taga-Phoenicia ay nagdadala ng kanilang katangian bilang taga-Phoenician, kahit saan sila mapunta, kahit lumabas sila sa kanilang lugar. At ang mga katangiang dala-dala nila ay mapapasa pa nila sa mga sunod na salinlahi.

Sumusunod sa lohikang ganito, ang pagkatalo ng mga Persyano ay nagpapatotoo nga kanilang pagiging inferior sa mga Grego, at madaling alipinin. At ang katangiang ito ay ipinasa nila sa kanilang mga anak.

Sa ganitong pagtingin, ang mga alipin ay ipinanganak, at tagagang ipinanganak para maging alipin.
Slaves, in this view, were born slaves and born to be slaves.

Ngunit sa kabilang banda, hindi totoo ang kabaliktaran – na ang kalayaan ay magbabago ng mga katangian ng mga alipin. Minsan naging alipin, ang katangian ng isang tao ay mababago—magpakailanman. Nakatulong ang mga pananaw na ito na patibayin ang paghahari ng mga Grego.
 
SA KABILANG BANDA, ang pagdampi ng isang kultura sa isa—ang natural na resulta ng pagtatag ng isang imperyo—ay nagdala din ng takot para sa mga Grego. Natakot sila na baka sila'y "mahaluan" at "mahawa" sa mga negatibong katangian na sa tingin nila ay taglay ng mga taong sinakop nila. Sa guni-guni ng mga nagtagumpay, ang mga pinagharian nila ay nagdadala ng tunay na panganib: Ang mga "masamang" katangian nila ay maaaring makahawa sa kultura ng mga Grego. At kapag nangyari ito, mabubulok ang buong kabihasnang Grego.

Ngunit hindi totoo para sa mga Grego ang kabaliktaran nito: na maaaring "mahawa" ang mga dayuhan sa kultura ng mga Grego. Ang kataka-taka, hindi napansin ng mga Grego—ang siyang mga nagtatag ng batayan ng lohika sa pag-iisip—ang baluktod na katwiran ng ganitong pag-iisip. 
 
Minana At Pinaunlad Ng Imperyo Romano
Nang sinakop ng Imperyong Romano ang mga Grego, minana rin nila ang ganitong pag-iisip at pangangatwiran, ngunit ang naging biktima ngayon ay ang mga Grego.
Ngayon na ang mga Romano ang naghahari, tiningnan nila ang mga Grego bilang mga taga-silangang  " malambot, mga binulok ng luho." Ang mga Romano ngayon ang naging "matatag," macho at mabuting mga kanluranin.

Ang pagkakaiba lang ay, samantalang nakalubog ang mga pag-iisip ng mga Grego sa mga kabaligtaran (opposites) ng Silangan at Kanluran—ang Kanlurang Europa (Grego) at ang Silangang Asya (Persya) —para sa mga Romano, ang magkasalungat ay ang Hilaga at Timog.

Ayon sa mga Romano: Ang malamig na Hilaga ay nagbunga ng mga matatapang na mandirigma na hindi naman marunong mamahala't hindi mataas ang antas ng kabihasnan (halimbawa ang mga Aleman). Samantalang umusbong ang mga taong mas binabae, mas madaling alipinin at binulok ng luho dahil maalinsangan ang klima sa Timog (ang mga Ehipto). Ang Italya ay nasa pinaka-gitna, at siyempre, ito ang naging duyan ng mga emperador ng mundo.

"Ang pinakaperpektong teritoryo," sinulat ni Vitruvius noong unang siglo BC, "ay ang siyang tinitirhan ng mga Romano. Kaya ang mga lahi ng Italya ay likas na naaangkop sa kanilang katawan at pag-iisip, na maging matapang at bayani…Kaya ang Katalinuhan ng Diyos mismo ang naglagay sa lungsod ng Roma sa isang lugar na tamang-tama lang ang klima… para mapagharian ng mga Romano ang buong mundo." (Isinalin)

Samantalang mayroong mga pagkakaiba, maraming pagkakapareho ang mahahanap sa imperialismo ng mga Romano at ng mga Grego. Hiniram ng mga Romanong intelektuwal ang mala-agham na teorya at pag-iisip ng mga Grego para maging makatwiran ang kanilang paghahari.

Namana rin nila ang takot ng mga Grego na "mahawaan" o maging "malabnaw" ang kanilang kabihasnan. At habang lumaki nang lumaki ang Imperyo Romano, lalong lumaki rin ang mga takot at kaba ng mga Romano sa kanilang mga pinagharian. Maya't-maya kinabahan ang mga pinunong Romano na humihina ang kanilang sandatahang lakas dahil sa paghahalo ng mga sundalo sa mga "taga-labas." Kinabahan sila na baka "marumihan" ang pagiging "dalisay" ng Roma, na sa kanyang pinakatugatog ay naging lungsod ng maraming dayuhan, na siyang nagdadala ng kanilang mga "alanganing" kaugalian at kakaibang mga diyos.

Pana-panahong kumilos ang Senado Romano sa mga takot na ito, at pinalayas ang mga dayuhang kinatatakutan mula sa Roma—mga Ehipto, mga atrolohiyo at Hudyo ang ilan sa mga pinalayas niya. 
 
SA KANYANG pagsasaliksik sa mga sinulat ng mga Romanong intelektwal, natuklasan ni Isaac na nang nagtagumpay sila, ang mga imperialistang Romano'y nagkaroon ng kaba na "mahawa" o maimpluwensiyahan ng mga "masasamang" kaugalian ng mga taong sinakop nila, na sa kanilang tingin ay mas mababa (inferior) sa kanila.

At, ayon kay Isaac, ipinahayag nila ang mga takot at kawalan ng pagpaparaya na ito sa pamamagitan na pag-igib sa malalim na balon ng rasismo (racism) ng mga Gregong nauna sa kanila .

Maraming mga istoryador sa kasaysayan ang nagtalo kung ang mga lipunang Grego at Romano ay totoong may bahid ng rasismo. Ang naging huling pasya nila ay totoong malawak ang kawalan ng pagpaparaya—o ang tinatawag sa Ingles na xenophobia—sa mga lipunan ng Classical Antiquity, at kahit ang diskriminasyon sa ibang kultura't grupong etniko ay totoong nariyan sa makalumang panahong iyon. Ngunit sa kabila nito, ay walang malay ang mga Makalumang Grego't Romano sa mga modernong konsepto ng rasismo.

Ngunit tumututol si Isaac dito, at naniniwala naman siya na totoong mayroong racism sa mga lipunang ng Classical Antiquity.

Ayon sa kanya, kagaya ng racism sa modernong panahon na nakabatay sa mga mala-agham na paniniwala na ang agham ay nagtatakda ng mga likas na katangian sa mga bawat grupong etniko (scientific determinism), ang racism sa Panahon ng Klasiko Antigo ay nakabatay naman sa mala-agham na paniniwala ng mga Grego't Romano na ang kalikasan ay magdudulot ng mga taong may mga katangiang hindi nababago't namamana pa (environmental determinism).

Biological determinism characterizes modern racism and grounds it in "science" in precisely the same way that environmental determinism characterizes and grounds the racist theories of antiquity. In subordinating the individual to the collective ("race"), ancient racism and modern racism both ignore the ways in which individuality, personal characteristics, and free will shape human experience and, thus, humanity.
 
Race, in the sense that racists employ the concept—as population invariably displaying intrinsic and unchanging social, cultural, psychological, and physical characteristics—does not exist. As Belgian social scientist Jean Hiernaux says, "Race is not a fact, but a concept."

At ang maling konsepto ng lahi na pinangalagaan ng mga Grego't Romano ay napasa naman sa mga dalubhasang Europeo na nag-aral sa mga kabihasnang ito noong Panahon ng Enlightenment. At mas masama, dinagdag pa nila ang kanilang sariling mga pagtingin—na may bahid na rin ng rasismo.
 
SA pagsasaliksik ni Benjamin Isaac, binaybay rin niya ang mga sulat ng iba't-ibang mga intelektuwal, na nakasulat sa halos anim na wika. Inaral din niya ang iba-ibang depinisyon ng racism sa iba't-ibang larangan, kagaya ng sosyolohika, antropolohiya, sikolohiya, batas, pag-aaral ni Charles Darwin at likas na agham.

Sinundan din ni Isaac ang kaisipang rasismo mula sa mga pantasya ng eugenics na lumaganap noong ika-19 na siglo (o ang pag-aaral kung papaano gagawing perpekto ang mga sanggol bago pa sila ipinapanganak). Sinuri niya ang mga modernong batas na nagtatangkang protektahan ang mga grupo ng tao sa pamamagitan ng paglarawan sa kanila bilang isang "lahi." Binasa niya ang mga modernong librong panturismo na patuloy na nagtatakda ng mga katangiang likas sa mga grupo ng tao (halimbawa, ang nakasulat sa mga tour guides: "The Venetian is born with a positive attitude toward life that is maintained by an imperturbable nature" at "Scandinavia: where it seems that native Scandinavians are born with national pride.")

Nahanap ni Isaac ang mga dibuho ng racismo sa napakaraming nakasulat sa iba't-ibang panahon ng kabihasnang kanluranin.

Kaya, nagpasya si Isaac na ang kulturang kanluranin ay talagang naaakit na mag-isip sa mga paraang nagtataglay ng bahid ng rasismo. At sa malaking paraan, ito ay dahil ang kanyang mga pundasyon mismo—ang pamana ng mga Grego't Romano—ay may taglay rin na bahid ng rasismo.

Ayon kay Isaac: Totoong ang mga dakilang pamana ng mga Makalumang Grego at Romano sa kabihasnan ng makabagong mundo ay ang mga ideya nila ng kalayaan, sining, pilosopiya at siyensiya.

Ngunit minana din ng makabagong panahon ang mga batayang konsepto ng diskriminasyon at hindi pagiging pantay-pantay ng mga tao.

Mabuti't natutukoy ito ni Isaac. Bilang mga Pilipino na sinakop ng mga kanluranin na ngayo'y nag-aaral ukol sa mga Sinaunang Grego't Romano, nararapat nating isaisip ang pag-aaral na ito ni Isaac. 
 
Hinalaw sa aklat ni Benjamin Isaac, "The Invention of Racism in Classical Antiquity"
(Princeton University Press, 2006)

 


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help